Photo courtesy | Sangguniang Panlalawigan ng Palawan
Ni Marie F. Fulgarinas
PALAWAN, Philippines — Pansamantalang nakalagak ngayon ang mga labi ni Dating Board Member Edmundo F. Balerite sa Session Hall ng Legislative Building, Capitol Compound simula Martes ng gabi, Oktubre 24, hanggang mamayang gabi, Huwebes, Oktubre 27, 2023, bilang pagbibigay-pugay sa kaniyang kontribusyon sa unang distrito ng Palawan.
Si Balirete ay pumanaw sa edad na 62-anyos nitong nakaraang Miyerkules, ika-18 ng parehong buwan.
Kaugnay rito, nagpaabot naman ng pakikiramay at pakikidalamhati ang kapulungan sa pangunguna ni Palawan Vice Gobernor Leoncio N. Ola sa pamilya’t mga kaanak ng dating Board Member sa pamamagitan ng ipinasang resolusyong “Expressing Deepest Sympathy and Condolences of the Provincial Government of Palawan and the Sangguniang Panlalawigan to the Family of Late Honorable Edmundo F. Balirete, Former Provincial Board Member of the First District of Palawan.”
Samantala, nakatakdang ihatid si Balerite sa kaniyang huling hantungan sa darating na Oktubre 28, araw ng Sabado.