PHOTO | PIO PALAWAN

Ni Ven Marck Botin

PATULOY ang isinasagawang laboratory testing para sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan na pinangangasiwaan ng Provincial Health Office (PHO) na ang layunin ay makapagbigay ng libreng tulong medikal ngayong araw ng Huwebes, ika-7 ng Setyembre 2023 sa Victoriano J. Rodriguez hall ng gusaling kapitolyo.

Ilan sa mga isinagawang aktibidad ay ang Fasting Blood Sugar (FBS) test, FBS with Lipid Profiling, at Lipid Profile gayundin ang libreng konsultasyong medikal at assessment na handog ng Palawan Provincial Government Employees Association o PPGEA katuwang ang Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) sa mga kawani ng Provincial Government.

Batay sa ulat ng Provincial Information Office, magpapatuloy ang aktibidad hanggang bukas, araw ng Biyernes, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-123rd taong anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Samantala, ang mga ‘contract of service’ o COS ay maaaring makakuha ng diskwento sa naturang laboratory testing sa kapitolyo.