PUERTO PRINCESA CITY, Philippines โ€” Ipinababatid sa publiko partikular sa mga turista na pansamantalang sarado muna ang Lake Manguao Municipal Conservation Area and Ecotourism Zone na matatagpuan sa bayan ng Taytay, Palawan, upang bigyang-daan ang kasalukuyang filming ng isang reality television show kung saan tampok ang nasabing lugar.

Sarado ito simula nitong nakalipas na Abril 21 hanggang Mayo 4 na kung saaโ€™y hindi muna papayagan ang mga turista at iba pang bisita na magtungo nasabing lugar, ayon sa Municipal Tourism Office.

Binigyang-diin na ang kasalukuyang โ€œaccessโ€ sa Lake Manguao MCAEZ ay para lamang sa mga residente ng Lake Manguao, filming crew, at casts gayundin ang MTDMO, at mga awtorisadong empleyado ng lokal na pamahalaan ng Taytay.