PHOIO// PALAWAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

Ni Ven Marck Botin

ARESTADO ang isang lalaki sa barangay Apurawan, bayan ng Aborlan, Palawan kaugnay sa kasong child abuse o paglabag sa Batas Republika 7610 o kilalang “An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, and for other purposes”.

Sa ulat ng Palawan Regional Police Office, sinabing inaresto ang lalaki nitong ika-9 ng Hunyo bandang alas-siyete ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Ronnie Suan, nasa wastong gulang, may asawa at kasalukuyang residente ng Barangay Apurawan.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinababa ni Judge Arlene Bayuga Guillen, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 13 Family Court, inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong child abuse na may kaukulang piyansang 80,000.00 pesos.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya ng Aborlan Municipal Police Station (MPS).