Ginulat ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang tahimik na gabi ng isang lalaking wanted matapos arestuhin dahil sa krimeng lasciviousness.
Ayon sa impormasyon ng pulisya, isinilbi ang warrant of arrest sa wanted sa Vicente Drive, Purok Pag-asa, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City, bandang 7:30 ng gabi ng ika-12 ng Enero, taong kasalukuyan.
Ang mabilis na pagkilos ng kapulisan ay nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa isang wanted dahil sa krimeng lasciviousness kaugnay sa Section 5, Paragraph 2(B) ng Republic Act 7610 (2 counts), na may inirekomendang piyansa na P180,000.00 bawat bilang.
Ang arrest warrant ay inilabas at nilagdaan ni Acting Presiding Judge Alberto Pantonial Quinto, Regional Trial Court, Tenth Judicial Region, Branch 21, Kapatagan, Lanao Del Norte, noong Disyembre 9, 2024.
Sa kasalukuyan, ang naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng pulisya para sa tamang disposisyon.
Samantala, ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng walang humpay na pagsusumikap ng kapulisan na protektahan ang komunidad laban sa anumang uri ng kriminalidad.
Ang PPCPO sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Cornelio C. Tadena Jr. ay patuloy na isusulong ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod ng Puerto Princesa.