Photo courtesy | ACTF

HIMAS-REHAS ang isang lalaki nang makunan ng tatlong pakete ng pinaghihinalaang “shabu” sa Purok Maligaya, Barangay Bancao-Bancao sa Lungsod ng Puerto Princesa nitong nakalipas na Martes ng gabi, Marso 11.

Sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police (PNP), nakuha sa suspek ang iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P15,400 boodle money, at isang gray Honda click 125.

Kinilala ang suspek na si alyas “Wawad,” 33-anyos, residente ng Purok Mapagmahal sa Barangay Tiniguiban, nabanggit na lungsod.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Alyas Wawad.

Author