PALAWAN, Philippines — Sinagip ng mga tauhan ng Coast Guard Station Northeastern Palawan ang isang lalaki matapos umanong mahulog sa karagatang sakop ng Brgy. Banuangdaan nabanggit na bayan nitong Setyembre 14, 2024.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa isang indibidwal na naaksidenteng nahulog sa karagatan humigit-kumulang 50 metro mula sa baybayin habang nakasilong ang kanilang sinasakyang bangka dahil sa masamang panahon.
Dahil dito, agad nagsagawa ng search and rescue (SAR) ang grupo ng Coast Guard upang mailigtas ang lalaking 34-anyos na katiwala mula sa fishing boat na Stellar 1.
Agad namang binigyan ng paunang lunas ang nasabing indibidwal sa tulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)Coron.
Dahil sa Habagat na dala ng mga nagdaang bagyo, pinapayuhan ang mga manlalakbay sa dagat na mag-ingat at palagiang makinig ng balita ukol sa lagay ng panahon upang maging handa at alerto sa anumang banta dulot ng sama ng panahon.