PUERTO PRINCESA CITY — Nahaharap sa three (3) counts of qualified rape ng menor de edad ang 34-anyos na lalaking caretaker ng isang farm na naninirahan sa Sitio San Carlos, Brgy. Bacungan.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakalista bilang Top 9 Most Wanted Person sa regional level ang suspek dahil sa patung-patong na kaso ng panggagahasa.
Nadakip ang suspek sa Brgy. Maunlad sa pamamagitan ng ikinasang operasyon ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), Criminal Investigation Unit (CIU), the PPCPO (lead unit), Police Station 1-PPCPO, CIT PPC/PIT Palawan, RIU 4B, CIT Palawan, RID 4B, 401st RMFB, at Intelligence Operatives ng 2nd MG-SOU.
Naaresto ang lalaki sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Branch 13 Presiding Judge Arlene Bayuga Guillen, Family Court, Fourth Judicial Region ng Puerto Princesa City.
Nahaharap sa kasong three (3) counts of qualified rape of a minor sa ilalim ng Article 266-A paragraphs 1(c) and (d), may kinalaman sa Article 266-B paragraph 1 ng Revised Penal Code as amended by Republic Act 11648 o mas kilalang “Anti-Rape Law of 1997”.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek.