Photo courtesy | MPS Quezon

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng pinaghihinalaang iligal na droga, batay sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa lugar.

Ayon sa police report, nakumpiska sa pangangalaga ng drug suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang iligal na droga sa Purok Dalisay, Brgy. Alfonso XII sa bayan ng Quezon ng lalawigan ng Palawan.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang ikinasang buy-bust operation ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan Provincial Police Office katuwang ang Regional Police Drug Enforcement Unit at iba pang kaugnay na ahensya.

Kasalukuyan naman nasa kustodiya ng Quezon Municipal Police Station (MPS) ang nadakip na durugista para sa tamang disposisyon.

Wala naman ibinahaging pangalan, edad at tirahan ang pulisya hinggil sa naarestong drug suspek.

Samantala, ang matagumpay na drug buy-bust operations ay bunsod na rin ng adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng mapayapa at maunlad na bagong Pilipinas.

Author