PHOTO || RALPH DALOJO & CITY INFORMATION OFFICE

Ni Clea Faye G. Cahayag

NAPANSIN ng Philippine Badminton Association (PBAD) ang husay sa paglalaro nina John Vincent Lanuza, 14 taong gulang at Ralph Nińo Dalojo, 13 taong gulang.

Sa kanilang ipinamalas na talento sa iba’t ibang badminton competition, mapa-lokal man o national level, napili ang dalawang kabataang atleta na magrepresenta ng lungsod ng Puerto Princesa sa Asia Junior Exchange Games 2023 sa Tokyo, Japan sa darating na Agosto 23 hanggang 29 ayon sa City Information Office.

At bilang paghahanda, humihingi ng suporta at tulong pinansiyal ang mga ito para sa kanilang gastusin sa nalalapit na kompetisyon.

Makakasama rin ng dalawang atleta sina Roaquine Mari Ramos, Christel Rei Fuentespina, Angelica Marie Racca at Gweneth June Chiva na kasamang napili rin na kakatawan sa Pilipinas sa larong badminton.

Sina Randolph Balatbat at Kevin Alfred Dalisay naman ang magsisilbing coach ng badminton team.