PHOTO//SAYS.COM

Ni Vivian R. Bautista

ALAM niyo ba na ang LATO-LATO ay isa lamang sa maraming pangalan ng laruan? Ayon sa Borneo Post, ang lato-lato ay nagmula sa salitang Buginese (mga tao sa timog Celebes (Sulawesi) sa Indonesia), latto-latto, na isinasalin sa “paggawa ng mga tunog ng clacking”.

Isa itong laruan na binubuo ng dalawang plastik na bola na nakabitin sa isang string na kapag ini-swing ay humahampas sa isa’t isa upang lumikha ng kakaibang tunog ng clacking, sa may sapat na pagsasanay ang mga bola ay maaaring itumba sa itaas at ibaba ng kamay.

Dahil sa sikat ito sa Southeast Asia, pinaniniwalaang nagmula ang lato-lato sa U.S. noong huling bahagi ng 1960s. Tinawag din itong Newton’s Yo-Yo at nilalayong maging laruang pang-edukasyon.

Ang laruang lato-lato ay simple at nakakahumaling dahil layunin ng manlalaro ay mapanatili ang clacking ritmo nito sa pinakamahabang oras.

Sa Pilipinas pinaniniwalaan ito na nakakaalis ng pagkabagot ng isang tao dahil malimit itong nilalaro ng mga mag-aaral sa paaralan at mga trysikel driver habang naghihintay ng mga pasahero, kadalasan ay nilalaro ito para sa pansariling libangan.

Ang mga Pilipino kamakailan lamang ay nagpauso ng trend sa social media sa nakalipas na dalawang buwan na kung saan ay makikita itong [lato-lato] nilalaro na ginamitan ng iba’t ibang estilo.

Ang lato-lato ay hindi purong Filipino, kilala itong “mga clackers” at “knockers” sa mga bansa sa Kanluran.

Ang laruang ito ay hindi lamang para sa mga bata, sa pamamagitan ng social media ay nakita itong nilalaro ng Presidente ng Indonesia na si Joko Widodo. Maging si Paul Rudd ng Ant-Man and the Wasp ay sinubukan din itong laruin nong siya ay nasa isang red carpet premiere sa Indonesia.

Ayon sa isang resulta ng pag-aaral, ang paglalaro ng lato-lato ay makakatulong umano sa panlipunang pag-unlad ng mga bata, dahil ang paglalaro nito ay mas masaya kapag magkasamang nilalaro at upang ang bata ay magkaroon ng mas mahabang pakikipag-uganyan sa kanilang mga kaibigan kasya sa paglalaro ng gadget sa tahanan.