PUERTO PRINCESA, Palawan – Nasa pangangalaga na ngayon ng Wildlife Rescue Center ang isang adult osprey o lawin matapos na ito’y iturn-over sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) nitong Hunyo 25, 2024.
Ang lawin ay dinala ng pamilya Simbajon sa nasabing tanggapan matapos na ito’y kanilang makita sa tabing-ilog sa Barangay Babuyan ng nasabing lungsod.
Ito ay may scientific name na Pandion haliaetus na kabilang sa Endangered species, batay sa PCSD Resolution No. 23-967.
Ayon sa tanggapan ng PCSD, kinakailangan umanong ipagpatuloy ang
pag-rehabilitate sa nabanggit na ibon upang manumbalik ang lakas nito.
Pakiusap din ng ahensya sa mga mamamayan na agad ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan na kung sakali mang makakita o makahuli ng iba’t ibang uri ng buhay-ilang, para sa tamang pangangalaga nito.