Photo courtesy | JBC

PUERTO PRINCESA CITY โ€” Ginunita ng naiwang pamilya ni dating Palawan Governor Salvador “Badong” P. Socrates ang kaniyang ika-24th death anniversary nitong araw ng Martes, Hulyo, 2.

Inalala ng magkapatid na sina kasalukuyang Palawan Governor Dennis M. Socrates at Puerto Princesa City Vice Mayor Maria Nancy M. Socrates โ€œang malungkot na pangyayari sa pagkawala ng kanilang ama sa kasagsagan ng paghahatid ng serbisyo sa malayong isla ng lalawiganโ€.

Ginunita rin ng mga kamag-anak at dating kasamahan sa Provincial Government ang masasayang alaala at legasiya ng opisyal na patuloy pa ring napapakinabangan ng sambayanang Palaweรฑo.

Samantala, nagsagawa rin ng Banal na Misa sa San Miguel Arkanghel Parish na pinangunahan nina Fr. Albert Sanchez at Fr. Francis Guzman para sa anibersaryo ng kamatayan ng dating gobernador. (