Photo | Repetek Team

Ibinahagi ni Partnership and Mobilization Director Atty. Hazel Marie Y. Mallari ng Legal Network for Truthful Elections o LENTE Philippines ang pakikipag-ugnayan ng kanilang ahensya sa lalawigan ng Palawan partikular sa Palawan State University (PalSU) at ibang Civil Society Organizations (CSOs).

Ikinuwento ni Mallari na nagsimula ang kanilang monitoring activity sa mga naganap na eleksyon sa lalawigan at Lungsod mg Puerto Princesa partikular noong 2015 kung saan aniya’y nagkaroon sila ng mahigpit na pagbabantay sa isinagawang Mayoral Recall Elections sa pagitan nina Mayor Lucilo Rodriguez Bayron at namayapang 3rd District Representative Edward S. Hagedorn.

Ani Mallari, ang kanilang iba pang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, civil society organizations (CSOs), non-government organizations (NGOs), at private sectors, ay naglalayong tiyakin na maabot ang mga liblib na komunidad at mga Indigenous Peoples na magkaroon ng maayos at malinis na pakikilahok sa mga isinasagawang eleksyon sa bansa.

Ikinuwento rin ng opisyal, ang kanilang matagumpay na monitoring sa naganap na Palawan Plebiscite noong taong 2021.