Photo Courtesy | Office of the Municipal Agriculturist

 

Ang Local Government Unit (LGU) ng Brooke’s Point, Palawan ay nagsasagawa ng malawakang anti-rabies vaccination sa mga alagang aso at pusa.

Ayon sa kanilang Office of the Municipal Agriculturist, ang grupo ay magbabahay-bahay para sa pagbibigay ng bakuna kontra rabies sa mga hayop tulad ng aso at pusa.

Ang pagbabakuna ay isasagawa sa loob ng 4 na araw sa 4 na magkakaibang barangay na kinabibilangan ng Barangay Malis, Salogon, Samariñana at Saraza.

Ito ay nagsimula na nitong araw ng Martes, Mayo 21 sa brgy. Malis, at sunod na isinagawa kahapon, Mayo 22 sa Salogon.

Ngayong araw ng Huwebes, ito ay sasagawa sa Samariñana at kinabukasan, ang grupo ay magtutungo naman sa Saraza.

Anila ang mga nabanggit na lugar ang unang batch ng naturang aktibidad, kapag natapos ang unang 4 na barangay, muling maglalabas ng iskedyul ang tanggapan para sa mga susunod na lugar na kanilang pupuntahan may kinalaman pa rin sa anti-rabies vaccination.