Makikita sa larawan ang 5.5 kW diesel generator na magsisilbing back-up power supply ng planta. (Larawan mula sa DOST MIMAROPA)
PUERTO PRINCESA CITY – Ipinagkaloob ng tanggapan ng Department of Science and Technology (DOST) ang hybrid solar powered ice plant sa mga mangingisdang residente ng Sitio Cawili ng bayan ng Cagayancillo, Palawan.
Sa ulat ng Philippine Information Agency (PIA) Region 4B, in-activate ng ahensya ang naturang mini-ice plant sa lugar upang mapakinabangan ng mga residente ang proyekto na umaasa sa pangingisda bilang kanilang kabuhayan.
“The mini-ice-plant can make 1.2 tons of ice blocks daily in 18 to 20 hours. It is powered by a solar-energy system and has a 5.5 kW diesel generator that serves as a back-up power supply.
The ice plant was built in Sitio Cawili, the farthest island from the municipality of Cagayancillo, and it takes around a three-hour boat ride from the municipal proper to reach the community. Cagayancillo is 273 kilometers from Puerto Princesa City,” ayon sa ulat ng PIA Region 4B.
Ayon pa sa PIA 4B, ang Sitio Cawili ay kinukonsidera na Geographically Isolated and Disadvantaged Area o GIDA kung saan hindi naaabot ng pangunahing serbisyo gaya ng kuryente, patubig, at iba pang serbisyo ng gobyerno.
Ito rin ay inirekomenda ng lokal na pamahalaan ng Cagayancillo na maging benepisyaryo ng hybrid solar- powered mini-ice plant project ng DOST.
“This innovative approach not only addresses the pressing need for reliable ice production but also aligns with efforts to promote eco-friendly practices in the fisheries sector. The implementation of the hybrid mini-ice plant is expected to positively the local community
A major highlight of the hybrid mini-ice plant is its commitment to environmental sustainability. The integration of solar energy in the ice-making process significantly reduces the carbon footprint of the facility, aligning with initiatives to combat climate change and preserve marine ecosystems.
The availability of a reliable ice source enhances the fisherfolks’ ability to store and transport their catch to markets without the fear of spoilage. This, in turn, opens up new economic opportunities for the community, fostering growth and stability in the local fishing industry,” pahayag ng PIA.
Makikita sa larawan ang mini-ice-plant project ng DOST na maaaring gumawa ng 1.2 toneladang bloke ng mga yelo kada araw sa loob ng 18 hanggang 20 oras. Ang planta ay pinapatakbo ito ng solar-energy system at 5.5 kW diesel generator na nagsisilbing back-up power supply ng planta. (Larawan mula sa DOST MIMAROPA)
Samantala, inaasahan naman ng DOST na ang hybrid mini-ice plant ng Cagayancillo ay makatutulong sa mga residenteng mangingisda sa lugar. Maliban dito, inaasahan din ng ahensya na magiging halimbawa ito sa iba pang coastal communities na lampasan ang kaparehong suliranin.
“The success of this initiative showcases the potential of merging traditional knowledge with modern technology, offering an alternative solution faced by fishing communities with the same predicament as the residents of Sitio Cawili,” pahayag ng PIA.