Photo courtesy | Narra Municipal Hospital

PALAWAN, Philippines — Muling inanunsiyo ng Narra Municipal Hospital na magkakaroon ng libreng operasyon para sa mga pasyenteng mayroong cleft conditions gaya ng bingot, ngongo, at facial cleft.

Ito ay isasagawa sa darating na Oktubre 20 hanggang ika-22 ng buwan, ngayong taon, sa nabanggit na ospital na kung saan ay makakatuwang nila ang kanilang partner non-government organization (NGO) na Operation Smile Philippines.

Ilan sa kanilang mga serbisyong ipagkakaloob ay kinabibilangan ng libreng operasyon, dental, speech therapy, and nutritional build-up para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa bayan ng Narra.

Samantala, sa mga nais magpatala sa operasyon at mga katanungan, mangyari lamang tumawag o mag-text sa mga numerong 09164638682 / 09625655240. At maaari ring mag-email sa [email protected].