PALAWAN, Philippines — Produktibo at matagumpay ang naging pagpupulong ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa at mga depot operators sa lungsod, ayon sa anunsiyo ng Punong Lungsod Lucilo Bayron nitong Lunes, Hulyo 8.
Aniya, sa ginanap na pulong nito lamang Hulyo 5, napagkasunduan sa susunod na taon, ililipat na sa mas ligtas na lugar ang mga oil depot sa siyudad.
“Nagkaroon tayo ng meeting with depot operators. ‘Di ba naibalita ko sa inyo naka-schedule talaga ‘yun ng July 5, at gusto ko ibalita sa inyo na very successful ang meeting na ‘yun at nagkaroon ng common understanding sa lahat,” ani Bayron.
Aniya, limang depot ang ililipat sa dalawang magkaibang lokasyon na matatagpuan sa dating Citramina camp na may pantalan sa Barangay Sta. Lourdes at sa bahagi ng Barangay Luzviminda.
“Lima yung depot natin na gusto natin ilipat sa safer na lugar. Napagkasunduan namin na by July 31, 2025, dapat nakalipat na ‘yung mga depot na galing dyan.
Dalawa ‘yung site na inallow natin yung doon sa may Citra Mina sa Sta. Lourdes. At saka, diyan sa tawiran ng barangay Luzviminda. Maganda talaga dalawa sila para may competition,” dagdag pa ng alkalde.
Matatandaan, una nang sinabi ni Bayron na ang dalawang nabanggit na lugar ay hindi “ideal sites” pero mas maayos at ligats ito kung ikukumpara sa kasalukuyang pinaglalagyan ng mga oil depot sa siyudad.