PUERTO PRINCESA CITY — Nasa lalawigan ng Lianjiang, China ang ilang kawani ng Local Government Unit (LGU) ng bayan ng Linapacan upang pag-aralan ang mga makabagong technique sa engineering works lalo na sa mga proyektong may kinalaman sa konstruksiyon ng mga bagong kalsada.

Ayon kay Mayor Emil Neri, “nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa Lianjiang County Industry and Information Technology Bureau upang personal na saksihan ang mga bagong trend na magagamit ng Municipal Engineer’s Office (MEO) ng Linapacan”.

Ani Neri, ang pagsasanay ay makatutulong sa kasalukuyang proyekto ng LGU kung saan pinagdudugtong ang apat (4) na barangay sa pamamagitan ng kalsada.

Isang seremonyas din ang itinakdang igawad ng Chinese government sa grupo na kinabibilangan nina Engr. Larry Kampitan, Engr. Aster John Agayon, Architect Jake Francia, at Romnick Aganta ng Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC). (via Marie F. Fulgarinas)

Author