Photo courtesy | Emil Neri

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Ika-apat na puwesto ang bayan ng Linapacan, Palawan, patungkol sa review at submission ng Statement of Receipts and Expenditures (SRE) Reports for Treasury and Budget nitong nakalipas na Disyembre 5.

“Pinagsisikapan talaga namin ni Budget Officer Engineer Dante Madlangsakay na maayos at mabilis ang submission ng mga report. Ito kasing SRE, kumbaga, it captures the fiscal capacity, level of borrowings, and creditworthiness of the LGU”, pahayag ni Acting Municipal Treasurer Laila P. Dalabajan.

Ayon sa ulat ni Municipal Mayor Emil Neri, isa ang Linapacan sa mga lokal na pamahalaan sa buong Palawan na wala umanong pagkakautang o loan sa anumang credit finances o bangko sa lalawigan.

Ani Neri, ang SRE ay isang basic financial report na hinihingi ng Bureau of Local Goverment Finance (BLGF) upang tiyakin ang financial performance ng mga Local Government Units (LGUs) sa bansa.

Author