PUERTO PRINCESA CITY — Na-rescue sa bayan ng Aborlan, Palawan, ang isang (1) buhay na Pangolin habang narekober naman ang mga kaliskis at labing-apat (14) na Samong shells o Top Shells (Tectus Niloticus) makaraang magsagawa sa Sitio Valderama, Brgy. Magsaysay ng nasabing bayan nitong Mayo 19, 2024.
Ayon sa 2nd SOU MG, iniulat ng isang concerned citizen ang kahina-hinalang mga indibidwal sa lugar na nabanggit na kung saan agarang nagsagawa ng operasyon upang masawata ang mga iligal na gawain.
Tumambad sa mga awtoridad ang isang buhay ilang at ilang ipinagbabawal na produkto.
Naging matagumpay ang nasabing operasyon sa pangunguna ni Operations Unit Maritime Group, Quezon MSBCPEMS Richard P. Rodriguez sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL LEOPOLDO M FERRER JR, Commander, 2nd SOU-MG, at mga tauhan na nangangalaga sa proteksyon at kapakanan para sa mga hayop.
Dinala ng law enforcement team ang mga nakuhang ebidensya sa tanggapan ng Narra Maritime Law Enforcement Team para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Bukod dito, ang karagdagang imbestigasyon ay isinasagawa upang matukoy ang mga taong sangkot sa posibleng paglabag sa Wildlife Conservation and Protection Act.
Photos courtesy: 2nd SOU-MG