PUERTO PRINCESA CITY – Alinsabay sa pagtataas ng kontribusyon sa PAG-IBIG fund ngayong buwan ng Pebrero, ipatutupad na rin ng ahensya ang mandatory online loan application.
Ayon kay Emely Platero, Branch Head ng PAG-IBIG Puerto Princesa, hassle-free at mapapabilis na ang aplikasyon ng mga miyembro sa kanilang loan dahil ito ay maaari nang gawin online.
“Ang kagandahan na online na po ang application – unang-una hindi na tayo magpapapirma ng ating application sa mga boss natin kung ‘yung office ay nasa Manila pa ‘yung head office natin o signatory ipapadala niyo pa’ yung application – very hassle po pero kung online na po, just click your virtual account and then papasok sa account ng employer.
Once na in-approve ng inyong authorized signatory ‘yung application papasok na po ‘yan sa system ni PAG-IBIG and then approved na po within the day. Napakabilis po ng magiging transactions natin [dahil] online na po ‘yung application natin,” paliwanag ni Platero sa adbentahe ng online loan application.