PHOTO | EDUARDO ROY JR.

Ni Ven Marck Botin

PUMANAW na ang award-winning actress na si Angie Ferro sa edad na 86, kahapon, ika-17 ng Agosto, ayon sa kaniyang kaanak at kaibigan sa showbiz industry.

Sa panayam ng ABS-CBN, kinumpirma ng kaniyang granddaughter na si Lorelie Futol na pumanaw na ang veteran actress nitong hapon ng Huwebes.

Si Ferro ay isinilang noong ika-4 ng buwan ng Agosto 1937 sa Baleno, Masbate.

Ilan sa pinagbidahan ni Ferro ay ang Lola Igna (2019), Ebolusyon ng isang Pamilyang Pilipino (2004), Pagputi ng uwak… pag-itim ng tagak (1979).