Kalaboso ang 82-taong gulang na lalaki na residente ng Barangay Saraza sa nabanggit na bayan dahil sa krimeng statutory rape, batay sa impormasyon ng pulisya.
Ang naarestong lolo ay kinilalang Most Wanted Person Rank No. 1 Municipal level na nadakip sa pangunguna ng Brooke’s Point Municipal Police Station.
Agad na inaresto ng mga awtoridad ang wanted sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Presiding Judge Ramon Rito Rada Mendoza ng Fourth Judicial Region, Branch 165, Brooke’s Point, Palawan, at walang inirekomendang piyansa para sa akusado.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Brooke’s Point MPS ang wanted para sa tamang disposisyon