Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Palawan Affairs
  • Lolong most wanted sa Balabac, timbog
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Lolong most wanted sa Balabac, timbog

Repetek News

June 11, 2025 2 minutes read
Palawan PPO 1

Photo courtesy: Palawan Provincial Police Office

Patuloy ang pagsisikap ng mga tauhan ng Palawan Provincial Police Office (PPO) na mapanatili ang kapayapaan at hustisya sa mga komunidad sa lalawigan sa pamamagitan ng pinaiigting na kampanya kontra kriminalidad.

Sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Joel Dalisay Casupanan, isang matagumpay na operasyon ang isinagawa para maaresto ang isang senior citizen na itinuturing na Most Wanted Person Rank No. 2 sa antas ng munisipyo sa bayan ng Balabac.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng awtoridad, kinilala ang suspek sa alyas na “Ram”, may-asawa, at residente ng Barangay Bancalaan ng nasabing munisipyo na naaresto matapos ang siyam na buwan.

Sumama sa kinauukulan ang 62-taong gulang na lolo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Paul Batculin Jagmis Jr., Regional Trial Court, Branch 95, Roxas, Palawan, noong ika-17 ng Oktubre ng taong 2024.

Nahaharap siya sa kasong Frustrated Murder na nakapaloob sa Criminal Case No. 15782. Bagaman walang trabaho ang suspek ngunit kinakailangan niyang makapagpiyansa ng P200,000.00 na itinakda ng korte para sa kaniyang pansamantalang Kalayaan.

Naisagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Balabac Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU)- Palawan PPO, PAL-CIT, RID, PRO 4B, PIT Palawan, RIU 4B, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), at 2nd Special Operations Unit (SOU) MG Balabac SBC.

Author

  • Samuel Macmac
    View all posts

About the Author

Samuel Macmac

View All Posts

Post navigation

Previous: Gamot at ospital, pangunahing suliranin sa Balabac; military bases, itatayo roon
Next: Bangkay ng mangingisda sa San Vicente, natagpuang naaagnas na

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.