Photo courtesy | Drew Manlawe

Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines – Maaari ng magpalista ang mga magsing-irog sa gaganaping Mass Wedding sa darating na araw ng mga puso, Pebrero 14, kasabay ng taunang paglulunsad ng Love Affair with Nature ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Drew Manlawe na maaaring i-fill out ang online form mula sa link na ito: https://forms.gle/zvrE1h55nLeXMRZFA upang mabilis ang pagpasa ng mga aplikasyon sa gaganaping kasalang bayan.

Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng Gender and Development (GAD) Women Program o Oplan Linis Program ng City Government na matatagpuan sa City Coliseum, Peneyra Road, Barangay San Pedro.

Ani Manlawe, maaari ring magpadala ng mensahe sa kaniyang Facebook messenger o kaya’y makipag-ugnayan kay Binibining Melissa Altamia sa pamamagitan ng contact number na 0919 719 2598.

Author