Photo courtesy | PIO Palawan

Ni Samuel Macmac

MENOS-gastos at malaking ginhawa para sa transport sector sa lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa ang pagtatayo ng bagong Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Regional Extension Office sa lungsod.

Ito ay kasalukuyang nagbibigay ng maayos na serbisyo ang nasabing tanggapan na matatagpuan sa 3rd Floor, ARKA Building, Manalo Street, lungsod ng Puerto Princesa, ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo.

Makakatipid sa gastusin ang transport sector sa lalawigan na nais kumuha ng prangkisa para sa lahat ng pampublikong sasakyan at pagproseso nito sa halip na sa LTFRB Regional Office pa sa Calapan City ng Oriental Mindoro pa ito kukunin.

Alinsunod naman sa Republic Act No. 1170 na may titulong โ€œAn Act Converting the Extension Office of the Regional Land Transportation Franchising and Regulatory Board in Puerto Princesa City, Province of Palawan and Appropriating Funds Thereforeโ€ ang pagtatayong LTFRB Regional Extension Office.

Matatandaang nilagdaan ito ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte noong ika-29 ng Mayo, 2022. Ito ay matagumpay na pinasinayaan noong ika-28 ng Mayo taong kasalukuyan.

Author