PUERTO PRINCESA, Palawan — SA pagbisita ni General Romeo Brawner Jr., Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines nitong Hunyo 19, 2024 sa headquarters ng Western Command sa Palawan, tinuran nito na ang mga sundalong nagsagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre (LS57) sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17 ay lumaban sa lahat ng “bagay na mayroon sila.”
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ito ang paglilinaw na sinabi ni Browner sa kanyang pagbisita at “talk to troops” sa Palawan na kung saan ay ginawaran din niya ng mga medalya ang mga tauhan ng militar na kasama sa operasyon ng RoRe at sa nakaraang matagumpay na airdrop mission.
“The good thing is that we fought. The Chinese Coast Guard personnel had bladed weapons and our personnel fought with bare hands. That is what’s important. We were outnumbered and their weapons were unexpected but our personnel fought with everything that they had,” dagdag pa ni Gen. Brawner Jr.
“Only pirates do this. Only pirates board, steal, and destroy ships, equipment, and belongings,” aniya, na naglalarawan sa China Coast Guard at sa mga aksyon nito sa huling RoRe.
Ayon pa sa CSAFP, namumukod tangi umano ang ipinakitang katapangan at dedikasyon ng tropa ng bansa laban sa napakalaki at armadong pagsalakay ng
walang ingat na sasakyang pandagat ng Tsina.
“That is our obligation and that is our right. We will not leave Ayungin Shoal.”
Sa huli, sinabi ni General Brawner Jr. na magpapatuloy ang mga misyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Matatandaang noong Hunyo 17, ay nakunan ng body camera ang pananalakay ng Chinese Coast Guard (CCG) laban sa mga miyembro ng Armed Forces of thePhilippines (AFP) malapit sa Ayungin Shoal.
Ang CCG ay naglunsad ng brutal na pag-atake sa mga tauhan ng bansa habang sakay ng AFP rigid hull inflatable boat (RHIB), agresibo itong hinampas at ginamitan ng talim ng mga tauhan ng CCG habang nakatutok ang kanilang mga armas, na tahasang nagbabantang sasaktan ang mga tropa ng AFP.
Ginamitan din ng tears gas ng CCG ang mga tauhan ng AFP habang patuloy sa
pagsi-sirena ang una para mas maputol ang komunikasyon bagay na inalmahan ng Pilipinas dahil sa hindi makatarungan at makataong gawain ng China.