Nagsimula na ang ikalawang batch ng Puerto Princesa City Green Justice Zone (PPCGJZ) training sa Aziza Paradise Hotel nitong araw ng Huwebes, Nobyembre 21.
Ikinasa ng green justice zone group ang “Competence enhancement training for gender-responsive, child-friendly, and Indigenous people relevant Katarungang Pambarangay” na layuning bigyan ng sapat na kaalaman ang mga lupon members tungkol sa mga karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA+, mga katutubo, at mga kabataan.
Kabuuang labing-anim (16) na barangays sa Puerto Princesa ang lumahok sa pagsasanay.
Lumahok dito ang mga Lupon Members Barangay Bagong Pag-Asa, Bagong Sikat, Bagong Silang, Bancao-Bancao, Liwanag, Mabuhay, Mandaragat, Matahimik, Pagkakaisa, Sea Side, Sicsican, Irawan, Tagburos, Sta. Lourdes, Tiniguiban, at Barangay Sta. Monica.
Tinatayang 150 Katarungang Pambarangay Members mula sa 16 na barangays ang lumahok sa pagsasanay.
Tinalakay rito ang mga kasong saklaw ng Katarungang Pambarangay at mga kinakailangan dokumento at requirement ng prosecutor’s office mula sa barangay.
Matatandaang apat (4) na poblacion barangays sa lungsod ng Puerto Princesa ang naunang sinanay ng green justice zone group hinggil sa paghawak ng mga kasong may kinalaman sa Indigenous Peoples, children, at gender based cases.
Samantala, magpapatuloy ang training ng mga Lupon Members hanggang bukas, araw ng Biyernes, Nobyembre 22.