PALAWAN, Philippines ย โ€“ Naihalal bilang Association of Barangay Captains (ABC) Federation President ng lungsod ng Puerto Princesa si Luzviminda Barangay Chairman Laddy R. Gemang batay sa ginanap na eleksiyon nitong Biyernes, Disyembre 15.

Animnapung (60) boto ang nakuha ni Gemang laban kay Maunlad Punong Barangay Alfredo Mondragon Jr. na nakakuha ng tatlong (3) boto.

Si Gemang ang uupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa na papalit kay dating ABC Federation President Francisco Gabuco ng Brgy. San Pedro.

Samantala, nahalal naman bilang Vice President ng Liga ng mga Barangay si Bacungan Bgy. Captain Gualberto Manaeg habang manunungkulan naman bilang auditor ng asosasyon si Punong Barangay Gayjun Dangan ng Bancao-Bancao.

Dagdag dito, nahalal naman bilang Board of Directors ang walong (8) barangay captains na kinabibilangan nina Bgy. Chairwoman Evangeline Aquino ng Maningning, Capt. Jane Villarin ng Macarascas, Capt. Gerry Acosta ng Napsan, Camilo Dela Cruz ng Maruyogon, Gerry Samosa ng Salvacion, Sharmain Ringor ng Kamuning, Margil Avanceรฑa Sr. ng Manggahan, at Ronaldo Sayang ng Sta. Monica.

(Kuhang larawan/ Facebook / Lad Gemang)

Author