Kalaboso ang mag-anak nang masakote ng anti-narcotics group ng Philippine National Police (PNP) matapos isagawa ang anti-illegal drug operation sa Barangay Pulot Shore bayan ng Sofronio Española nitong gabi ng Huwebes, Marso 13.

Ayon sa kapulisan, nabili ng poseur buyer ang tatlong (3) pakete ng hinihinalang ‘shabu’ na nagkakahalaga ng mahigit P28,000.00.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang ilan pang sachet ng hinihinalaang shabu na aabot sa humigit-kumulang 16 gramo na tinatayang may street value na mahigit P78,000.

Ang mga suspek ay nag-eedad 57-anyos, 51-anyos, at 31-anyos na pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Author