Photo courtesy | CGSS Narra

PUERTO PRINCESA CITY — Matagumpay na nailigtas ng Coast Guard Substation Narra ang dalawang (2) Australian Senior Citizens sa karagatang sakop ng nabanggit na bayan, Palawan, nitong Biyernes, Nobyembre 17.

Ayon sa ulat ng Coast Guard District Palawan, ang mag-asawa ay kinilalang

sina Ginoong Kelvin Maurice Hofman, 74-taong gulang at Ginang Deana Hofman, 67-taong gulang, na naglayag mula Kudat, Malaysia patungong Lungsod ng Puerto Princesa.

Naubusan umano ng gasolina ang yateng sinasakyan ng mag-asawa. Agad namang tumugon sa pinangyarihan na humigit-kumulang isang nautical mile mula sa Port ng Citinickel Mines ang Search and Rescue Team ng mga tauhan ng Coast Guard Substation Narra, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Citinickel, Municipal Agriculture Office, at ilang mga opisyal ng Barangay Bato-Bato.