Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Palawan Affairs
  • Magsaysay, two-time champion sa Pantigoan sa Dalan
  • Culture
  • Palawan Affairs
  • Repetek Entertainment

Magsaysay, two-time champion sa Pantigoan sa Dalan

Saldivar Nagamacho June 14, 2025 2 minutes read
PIO Palawan 22

Kuhang larawan: Provincial Information Office (PIO) Palawan

Matagumpay na nadepensahan ng Lokal na Pamahalaan ng Magsaysay ang kanilang titulo bilang Grand Champion sa Pantigoan sa Dalan, isang tampok na kompetisyon sa Baragatan sa Palawan Festival 2025.

Pinakamaningning sa limang munisipyong lumahok ang bayan ng Magsaysay matapos ipamalas ang kanilang husay sa koreograpiya, harmonya ng galaw, at katangi-tanging disenyo ng kasuotan.

Dahilan para masungkit ng Magsaysay ang grand prize na P300,000 at plake. Bukod dito, napanalunan din ang tatlong special awards na kinabibilangan ng Best in Costume, Best in Choreography, at Best in Parade, na may P30,000.00 na cash prize bawat isang parangal, ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo.

Hinirang naman na 1st Runner-up ang LGU Quezon na taumanggap ng P200,000.00, habang ang LGU Coron ang naging 2nd Runner-up na may P100,000.00 na premyo.

Sa indibidwal na parangal, kinilala bilang Best Dancing Mayor si Magsaysay Mayor Rommel Dela Torre, habang si Vice Mayor Aloysius Quejano ang hinirang na Best Dancing Vice Mayor na kung saan parehong tumanggap ng P10,000.00.

Pinarangalan naman ang mahusay na pagtatanghal ng LGU San Vicente at LGU Cagayancillo ng halagang P50,000.00 bilang consolation prize.

Nagmula ang salitang “Pantigoan” sa salitang Cuyonon na “antigo” na nangangahulugang husay, kaalaman, at kakayahan.

Sa kompetisyong ito, ang Pantigoan sa Dalan ay isang dance parade competition na bahagi ng Baragatan Festival ng Palawan na naglalayong itampok sa pamamagitan ng sayaw at makulay na pagtatanghal ang identitad ng bawat munisipalidad.

Author

  • Saldivar Nagamacho
    Saldivar Nagamacho
    View all posts

About the Author

Saldivar Nagamacho

Author

View All Posts

Post navigation

Previous: Palawan, makararanas ng mga biglaang pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat ngayong araw
Next: Financing scheme, suporta sa Kalayaan residents, kampanya kontra HIV, ipinanawagan ni Sabando

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025
News Page (4)
  • Headlines
  • National
  • Palawan Affairs

Iba kayo, Andes at Garzon!

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.