PHOTO//UNTV NEWS & RESCUE

Ni Ven Marck Botin

DUMATING ngayong gabi ang mahigit 500 Persons Deprived of Liberty o PDL mula New Bilibid Prisons (NBP), Correctional Institution for Women (CIW), at iba pang jail facilities sa Metro Manila.

Ang mga ito ay ililipat sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa bilang bahagi ng ‘decongestion efforts’ sa mga jail facilities sa Pilipinas, partikular na sa NBP.

Sa ulat ng UNTV News & Rescue, “nasa 423 PDLs ang pinalaya mula sa iba’t ibang detention at penal farms na nasa pangangasiwa ng Bureau of Corrections (BuCor), at [120 naman] ang nabigyan ng parole habang tatlo (3) ang na-acquit] sa kaso.

“Sapagkat, itong lugar natin ay nagiging commercial na lupain ng gobyerno na inabutan na ng pagbabago o pag-unlad. Dati tayo lang ang nakatira [rito], ngayon tayo naman ang napapaligiran ng malalaking subdivision at malalaking negosyo,” pahayag ni Catapang Jr.