Photo Courtesy | COMELEC

PUERTO PRINCESA CITY — Araw-araw nasa dalawampung (20) iba’t ibang aplikasyon ang naipoproseso ng Commission on Elections (COMELEC) Palawan, ayon sa ibinahaging datos ng ahensiya.

Anila, sa muling pagbububukas ng voters registration nito lamang ika-12 ng Pebrero, ang kanilang opisina ay nakapagtala ng 4,085 mga bagong botanteng nagparehistro habang 3,410 bilang ng “transfer from other city [or] municipality”, at 1,961 transfer within same city [or] municipality.

Nakapagtala rin ang tanggapan ng nasa 989 bilang ng reactivation, 455 correction of entries o change of name habang 50 bilang naman ang transfer from OAV o Overseas AbsenteeVoters.

Sa kabuuan, 10,950 ang voters registration turnout simula Pebrero 12 hanggang Marso 5, ngayong taong 2024.

Sa nasabing bilang, 5,286 dito ang mga lalaki at 5,664 naman ang mga babae.

Ayon pa sa ahensiya, 2,046 dito ang mula sa unang distrito; 2,094 ang galing sa ikalawang distrito; at 6,810 naman ang naitala mula sa ikatlong distrito ng lalawigan ng Palawan.

Nangunguna naman ang Lungsod ng Puerto Princesa sa may pinakamaraming naiprosesong aplikasyon sa bilang na 6,622.

Pagdating naman sa mga munisipyo sa lalawigan ng Palawan, ang bayan ng Brooke’s Point ang may pinakamataas na naiprosesong aplikasyon sa bilang na 507.

Sinusundan naman ito ng bayan ng Taytay na mayroong 336, Rizal na may 324 bilang, Narra na mayroong 286, Balabac na may 285, at bayan ng Coron na mayroong 281.

Nakapagtala rin ang bayan ng El Nido ng 276 bilang; Quezon na 251; Bataraza – 244, Roxas – 212; Culion – 202; Sofronio Española – 197; Aborlan na 188 bilang, San Vicente – 181; Busuanga – 151; Cagayancillo – 73; Araceli at Dumaran na parehong nakapagtala ng 58 bilang; Magsaysay – 55; Cuyo – 48; Kalayaan – 47; Linapacan – 47; at Agutaya – 21.

Magtatapos naman ang voters registration sa Setyembre 30,2024.

Author