Photo courtesy | Presidential Communications Office
PUERTO PRINCESA CITY — Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang barkong BRP Malabrigo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanyang pagdalo sa ika-122 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng ahensya na may temang, “Sailing Together in Unity and Harmony”, sa Lungsod ng Maynila nitong Martes ika-17 ng Oktubre, taong kasalukuyan.
“Well, ito ‘yung mismong barko na na-water cannon. Kaya’t makikita natin na nag-i-increase ang ating capability para makapag-defend sa sovereign maritime territory ng Pilipinas,” pahayag ng Pangulo.
“We are continuing with the upgrading of the equipment and the training and the capabilities of all our people, especially the Coast Guard, not only because they are on the frontline in the problems now that we’re facing in the West Philippine Sea but also because of the very important function that they play when it comes to search and rescue, when it comes to maritime incidents, when it comes to even disaster assistance, marami silang ginagawa,” dagdag ni Marcos Jr.
Ipinangako ng Pangulo ang patuloy na pagsuporta ng gobyerno sa ahensya sa pamamagitan ng pag-upgrade ng mga barko nito — magkakaloob ang pamahalaan ng mga makabagong kagamitan at sasanayin din ang mga tauhan para matugunan ang mga hamon sa WPS at magkaroon ng epektibong istratehiya sa oras ng kalamidad.
Tinuran din ng Pangulo ang tulong na ipinaabot ng mga kaalyado ng bansa lalo sa seguridad ng West Philippine Sea.
“The Philippine is lucky as we have many friends around the world and marami sa ating mga kaibigan na karatig bansa at kahit na ‘yung galing sa malalayo ay tinutulungan tayo para paggandahin at patibayin ang ating Coast Guard,” ani ng Pangulo.
Matatandaang ang BRP Malabrigo ay sumailalim sa pag-atake ng water cannon ng mga sasakyang pandagat ng China nitong nakalipas na Agosto habang sinasamahan nito ang mga bangkang maghahatid ng mga suplay sa mga tropang militar na nakatalaga sa BRP Sierra Madre malapit sa Ayungin Shoal.
Samantala, mandato ng Philippine Coast Guard na magsagawa ng matibay na implementasyon ng mga batas at regulasyong pandagat, search and rescue operations, pagsawata sa smuggling at piracy, at iba pa.