Photo not availableSample Caption

Ni Ven Marck Botin

NANGAKONG tutugunan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pangagailangan ng mga magsasakang Pilipino na makatutulong sa pagpapaunlad ng lokal na produksyon sa sektor ng agrikultura.

Aniya, layunin ng kaniyang administrasyon na iangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa bansa.

Iprinisenta ng pangulo ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng New Agrarian Emancipation Act o Republic Act No. 11953 na nagpapalawig sa moratorium ng pagbabayad ng utang ng mga agrarian reform beneficiaries.

Author