Photo Courtesy | Lonely Planet
Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Muling kinilala ang bayan ng El Nido, Palawan, makaraang mapabilang sa ‘World’s Best Beaches for 2024’ ng Travel website Lonely Planet ang Maremegmeg Beach nito.
Sa ulat ng Provincial Information Office (PIO) Palawan, kinilala ng international travel guide book publisher ang Maremegmeg Beach bilang isa sa pinakamagandang dalampasigan sa mundo.
“Maremegmeg Beach in El Nido decribed as “postcard-worthy” by the travel website is placed together with Maldives and Thailand beaches in Asia,” pahayag ng tanggapan.
Ayon sa ulat ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO), ang bayan ng El Nido ang ‘most visited municipal destination’ sa Palawan na nakapagtala ng mahigit 518,385 tourist arrivals nitong taong 2023.