PUERTO PRINCESA CITY — SABAY-SABAY na nagsagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang iba’t ibang mga barangay at munisipyo sa lalawigan nitong umaga ng Lunes, Marso 25, 2024.
Ang mga tauhan ng 2nd Special Operation Unit (SOU)-MG ay nakiisa sa nasabing aktibidad na kung saan kasama ng mga ito ang mga Interns ng Full Bright College at mga kawani ng Puerto Princesa City Disaster Risk Reduction Management Council, Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, Philippine Coast Guard, Criminology Interns ng Western Philippines University, 2nd SOU-MG Headquarters, Purok Honda Bay, Brgy. Sta. Lourdes, at Brgy. Bahile Council.
Ayon sa 2nd SOU MG, layunin ng nasabing aktibidad na pataasin ang kahandaan at kamalayan ng publiko, lalo na sa pagtugon sakaling magkaroon ng hindi maiiwasang kalamidad gaya ng lindol at bagyo.