Photo courtesy | Ed Hagedorn

PUERTO PRINCESA CITY, Philippines — Opisyal nang itinalaga ng House of Representatives si House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez bilang caretaker ng Ikatlong Distrito ng Palawan, batay sa isinagawang regular session ng ika-19 congress nitong Miyerkules, Nobyembre 8.

Sa Facebook post, inihayag ng tanggapan ni yumaong Congressman Edward Hagedorn ang pasasalamat kay Romualdez matapos itong italaga bilang caretaker ng nasabing distrito.

“The House unanimously backed this motion as it was in the best interest of the people in the district,” pahayag ng tanggapan ni Late Rep. Hagedorn.

“Maraming salamat, Speaker Romualdez at tiwala kami na lubos na magpapatuloy ang mga gawain at mithiing naumpisan ng ating Kaibigang ED,” dagdag ng distrito.