Maaari nang magpalista ang mga magsing-irog na nais magpakasal sa gaganaping Mass Wedding sa darating na araw ng mga puso, Pebrero 14.
Ang aktibidad na ito ay isa sa highlight ng taunang pagdiriwang ng Love Affair with Nature ng Pamahalaang Panlungsod.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Ginoong Dreu Manlawe na ang tanggapan ng Gender and Development (GAD) ay tumatanggap na ng mga aplikante para sa kasalang bayan ngayong taon.
“Para po makapag pa REGISTER i-Click lamang po ang link na ito https://forms.gle/6B1fSjEDuBGiXU7G7 or i scan ang QR Code,” ani Manlawe.
Sa kasalang bayan, ang mga couples ay magtatanim din ng mga puno.
Para sa iba pang mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng GAD Women Program Office na matatagpuan sa Peneyra Road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City o magpadala ng mensahe kay Ms. Melisa Altamia sa numerong 0927-071-1002.