Makikita sa larawan si Taytay Mayor Christian V. Rodriguez sa Costa Palawan Resort. (Kuhang Larawan/ Taytay, Palawan)

PUERTO PRINCESA CITY – Tumanggap ng parangal si Taytay Mayor Christian V. Rodriguez sa katatapos na “Department of the Interior and Local Government (DILG) Palawan’s Dengeg Y ang Banwa” na ginanap sa Costa Palawan Resort, Bgy. San Pedro, sa nabanggit na lungsod, nitong Miyerkules, Disyembre 21.

Ayon sa Municipal Government of Taytay, nakamit umano ng mga tanggapan ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Municipal Peace and Order Council (MPOC), at Local Council for the Protection of Children (LCPC) ang High Functionality rating para sa taong 2022 matapos magsagawa ng Functionality Audits ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon pa rito, ang alkalde ang siya ring Chairperson ng mga nasabing lupon.

Dagdag dito, naging posible umano ang naturang parangal dahil na rin sa sipag at dedikasyong ibinuhos ng bawat kasapi ng MADAC sa pangunguna ng kanilang Focal Person na si Teacher Bamby Oquendo, pati na rin sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensiyang bumubuo sa MPOC lalo na sa patuloy na pagsusulong ng mga abokasiya na nakatuon sa pagsiguro ng kaparatan at kagalingan ng mga bata ng LCPC.

“Excellence is attainable, ingenuity is rewarded and collaboration is vital”, ayon sa kinatawan ng DILG Palawan.

Author