PHOTO | REPETEK

Ni Clea Faye G. Cahayag

KINUMPIRMA ni Provincial Election Supervisor Atty. Percival C. Mendoza ng Commission on Elections (COMELEC) Palawan na mayroong mga identified hotspots sa lalawigan.

Aniya, ang mga hotspots na ito ang sinundan nilang pattern noon pang 2022 National and Local Elections (NLE).

Nilinaw rin ng abogado na pagkatapos ng filing of Certificate of Candidacy (COC) bago magsasagawa ng assessment gayundin ang pagsasagawa ng Provincial Joint Security Meeting kasama ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

“[A]fter po ng filing ng ating certificate of candidacy du’n pa lang talaga natin ma-assess kasi ‘yung atin pong kapulisan kasama po natin sila, wala naman sila actually formal duty with the COMELEC for the purpose of filing the COC pero from [the] day 1 hanggang sa last day ng filing ng COC kinukuha na nila ang data ng mga aspirants na nag-file, so, that they can profile already the people kumbaga iko-cross match na nila [roon] sa mga identified hotspots na posibleng maging threat o kung kanino kabilang na grupo ang aspirant na p’wede maghasik ng gulo,” pahayag ni Mendoza.

“[F]inally, magkakaroon ng security assessment kapag nagkaroon na ng formal filing of COC and right after that we will have a provincial joint security meeting with the PNP and AFP and the PNP will report kung itong mga taong ito na nag-file ng COC ay may potential to initiate the threat town or in a barangay level,” paliwanag pa ng Provincial Election Supervisor.

Ibinahagi rin ng abogado sa lokal na midya na sa kasalukuyan ay wala pang ipinaparating na problema ang mga election officers na may kinalaman sa Barangay and Sanggunian Kabataan Election (BSKE) 2023.

Ani Mendoza nananatili itong normal at “business as usual”.