PALAWAN, Philippines — Aabot sa isandaan at limampu’t dalawang (152) lokal na residente ng Barangay Ramon Magsaysay, nabanggit na bayan ang naging benepisyaryo sa isinagawang Medical at Dental Mission nitong Mayo 22, 2024.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Palawan Precious Life Foundation Inc., na tumutulong sa mga pangangailangan ng mga katutubo lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar upang kanilang mapakinabangan ang mga pangunahing serbisyo sa ngipin gaya ng libreng dental consultation, tooth extraction, at Oral Prophylaxis.
Kaisa sa isinagawang aktibidad ang mga samahan ng Coast Guard Dental Station Palawan kasama ang Coast Guard Veterinary Service.
Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya tulad ng Palawan State University (Palawan SU), Roots of Health, Aborlan Medicare Hospital, Philippine Marine Corp, Provincial Health Office (PHO), Municipality of Aborlan, Palawan Thunders Eagles Club, Integrated Midwives Association of the Philippines (IMAP), WPU Cooperative, Provincial Police Office at iba pang boluntaryong sibilyan.
Sa huli, nagpapasalamat naman ang mga residente ng naturang barangay dahil sa kanilang nakamit na libreng serbisyong medikal.