PUERTO PRINCESA CITY, Philippines — Nakatakdang isagawa sa nabanggit na bayan ang libreng medical mission na inaasahang maghahatid ng iba’t ibang serbisyong medikal para sa humigit-kumulang 500 indibidwal ng Barangay Ransang at karatig-barangay na isasagawa bukas, araw ng Miyerkules, ika-5 at 6 ng Hunyo, 2024 .
Ang “MISSION from the Heart” project ay collaborative community service event na maghahatid ng Pangangalaga sa kalusugan at pag-asa sa naturang munisipyo.
Nilalayon ng aktibidad na matugunan ang mga problemang kalusugan ng mga residente sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sumusunod na libreng serbisyo na kinabibilangan ng Medical check-up, pagbibigay ng libreng gamot, pagtutuli at payong legal at gabay mula sa mga abogado.
Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng Lionheart Farms sa pakikipagtulungan ng Western Command-AFP, 18th Special Forces Company- Riverine, 408th Community Defence Center 4RCDC, at Gabay Kalinga Foundation Inc., na may temang: “ Serbisyong may Puso at Kalinga para sa Malusog na Pamayanan”(Serbisyo na may Puso at Pangangalaga para sa Malusog na Komunidad.
Ayon sa Lionheart Farms Corporation, marami umanong residente, lalo na ang mga katutubo, ang nahaharap sa mga hamon sa pag-access sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan dahil sa heograpikal na lokasyon at kakulangan ng sapat na pananalapi.