Photo Courtesy | PPCPO

ARESTADO ang isang lalaki sa barangay San Miguel lungsod ng Puerto Princesa matapos mahuling nagnanakaw ng metro ng tubig.

Batay sa inisyal na imbestigasyon habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) kahapon, Hunyo 3, alas kuwatro ng umaga (4:00 AM) sa barangay San Miguel, isang lalaki ang naaktuhang puwersahang binabaklas at ninanakaw ang metro ng tubig na pagmamay-ari ng City Water District.

At nang ito ay kapkapan, nakuha sa suspek ang isang kutsilyo na humigit-kumulang sampung (10) pulgada ang haba, tatlong (3) water valve na may kasamang GI pipe at plumming tools.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Police Station 1 at sasampahan ng kasong paglabag sa Batasang Pambansa 6.