Ni Vivian R. Bautista
INIHATID ng Commission on Elections (COMELEC) sa gusaling kapitolyo ngayong araw ng Lunes ika-14 ng Agosto taong kasalukuyan ang nasa 929 ballot boxes.
Ang mga naturang ballot boxes ay isasailalim sa pangangalaga ng Provincial Treasurer’s Office at inaasahang kukunin ngayong linggo ng mga Municipal Treasurer’s na magmumula pa sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan.
Ayon sa ibinahaging post ng tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, ang mga nasabing ballot boxes ay gagamitin sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa nalalapit na ika-30 ng Oktubre, 2023.
Ang ballot box ay isang pansamantalang selyado na lalagyan, kadalasan ay isang parisukat na kahon bagaman kung minsan ay isang tamper resistant bag, na may makitid na puwang sa itaas na sapat upang tumanggap ng isang papel ng balota sa isang halalan ngunit pinipigilan nito ang sinuman na ma-access ang mga naiboto hanggang sa matapos ang panahon ng pagboto.
Matatandaang una nang inilabas noon ng COMELEC ang opisyal na kalendaryo ng mga aktibidad para sa gaganaping BSKE, una itong iniskedyul noong Disyembre 5, 2022 bago inilipat sa Oktubre 30, 2023.