Kuha ang larawan mula sa social media post ni PCG Spokesperson Jay Tarriela nitong Sabado, Abril 6. Sa X platform, inihayag ni Spox Tarriela ang muling pangha-harass ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
PUERTO PRINCESA CITY – Muling hinaras ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng Pilipinas sa vicinity waters ng Recto Bank sa West Philippine Sea nitong Huwebes, Abril 4, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela.
Kinumpirma ito ng opsiyal sa X platform (dating Twitter) ang muling panghaharas ng mga barko ng CCG sa mga mangingisdang Pilipino at mga barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagsasagawa ng misyon ang mga ito sa nasabing karagatan.
Ani Tarriela, kasalukuyang naglalagay ng mga payao o local fish aggregating devices sa Rozul Reef ang mga barko ng Pilipinas at mga mangingisdang Pilipino nang subukan palayasin ng CCG ang mga mga maliit na bangkang pangisda ng mga Pinoy.
“While the Philippine Coast Guard vessel and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources were dropping floating aggregate device (payao) in the vicinity of Rozul Reef, the two Chinese Coast Guard vessels (21551 and 21556) who were the usual interdictors in the resupply operation in Ayungin Shoal arrived and started harassing the Filipino Fishing Boats who were voluntarily supporting the PCG-BFAR operation last 04 April,” ani ni Tarriela sa X platform.
(Photo Courtesy: PCG Spox Jay Tarriela)
Aniya, ang muling pag-atake ng mga barko ng bandang Tsina ay nagpapakita “unlawful behavior”. “The Chinese Coast Guard vessels went as far as pretending to man their water cannons and threatening the Filipino fishermen, demonstrating China’s unlawful behavior aimed at depriving the Filipinos of their rights to access the resources in our Exclusive Economic Zone,” pagbibigay-diin ni Tarriela.
Kinondena rin ni Tarriela ang agresibong aksiyon ng Tsina na kung saan aniya ay greed and unfounded claim”.
via Marie Fulgarinas / REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino