Mapapanood na sa mga sinehan sa darating na ika-5 ng Hunyo ang pelikulang 1521: The Quest For Love And Freedom na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Danny Trejo.
Sa ipinatawag na press conference ngayong araw ng Martes, sinabi ni Francis B. Lara Ho, prodyuser ng 1521, inabot ng dalawang taon ang shooting nito na pawang kinunan lahat ng eksena sa lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa.
“All the battles scene sa Tagkawayan tapos yung modern scene sa Puerto Princesa Garden and
[Fort] Sta.Isabel sa Taytay (Palawan) and yung mga villages nandoon lang sa Mitra [Ranch] aniya.
Dagdag pa nito, karamihan sa mga gumanap na sundalo sa naturang pelikula ay mga estudyante mula sa Bacungan National High School.
Ayon pa sa prodyuser, isa sa pinakamalaking misyon ng pelikulang 1521, “is to put Palawan once again on a global map”.