PUERTO PRINCESA CITY — Isinara ng Local Government Unit (LGU) ng Coron, Palawan, ang mga establisyementong walang ‘permit to operate’ matapos makatanggap ng reklamo at magsagawa ng imbestigasyon ang tanggapan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) kaugnay sa mga negosyong nag-o-operate sa kabila ng walang kaukulang business permits.
Sa Facebook post nitong araw ng Martes, ika-17 ng Oktubre, kinumpirma ng tourism office na agarang naglabas ng Closure Order ang LGU-Coron sa mga gusali sa lugar na walang kaukulang dokumento para sa kanilang operasyon.
Sinabi rin ng lokal na ahensya na magsasagawa rin ng malalimang inspeksyon at pag-validate ang lokal na pamahalaan upang matukoy ang iba pang mga negosyo na walang business permit.